Skip to main content

Posts

Saklolo

Nasubukan mo na ba ang mangailangan? Ang mahingan Ng tulong? Sa lahat ng aspeto ng buhay may pangangailangan ang tao. Ako ay naniniwala na may dahilan kung bakit tayo nasa isang lugar, isang grupo, isang pamilya, kung bakit nakakikilala tayo ng ibang tao at kung bakit naririto Ka- Tayo sa mundo. Nagpapasalamat ako sa ating Panginoon sapagkat siya ay gumagamit ng maraming tao upang iparamdam Ang Kanyang pag-ibig. Salamat sa lahat ng taong ginagamit Niya araw araw. Minsan tayo ang nangangailangan, minsan tayo rin ay tinatawag na tumugon sa pangangailangan. Ang pagpapala ay mula sa ating Panginoon. Tayong lahat ay daluyan ng Kanyang pagpapala. -I'm Jes

Gaano ka katagal naghintay ?

                                                                                    2-4-21 (Pila para sa National I.D.) Pamilyar tayo sa kasabihan na "kapag may tiyaga, may nilaga" . Nasubukan mo na bang maghintay? Gaano katagal? Ako, base sa aking karanasan maraming paghihintay ang naranasan ko. Paghihintay tuwing may meeting, kapag may pupuntahan, at marami pang iba. Pero ang matinding paghihihtay na naransan ko ay ang maghintay sa pila- sa lahat ng pwedeng pilahan. Naalala ko tuloy noong nag-apply ako ng scholarship sa CHED (Commission on Higher Education) sa may Quezon City. Sobrang dami kong kasabayan na mga estudyante, simula ground floor paitaas ang pila  hangang 3rd floor sa pagkakaalala ko.  Gayun pa man, ang pagtiyatiyaga...

May Aral sa Pagbabasa

Isang pribilehiyo ang makapagbasa. Sa pagsusulat ko ngayon, dapat na ibabahagi ko ang personal na natutunan ko sa pagbabasa ngunit may naalala akong pagkakataon na kung saan nakatagpo ako ng isang tao na kasing edad ko lamang na nahihirapan magbasa. Nakakalungkot, isang engwentro ito sa aking buhay na tila  walang akong magawa. Panahon ito noong ako ay nag-aaral pa bilang mag-aaral sa  Senior High School at umuwi ako sa aking bayan. Sa aking pagbalik upang ipagpatuloy ang aking pag-aaral, naging isang motibasyon ito para as akin upang pahalagahan ko ang edukasyon.  Natututong magbasa ang tao sa pamamagitan ng pagpasok sa paaralan at pagtuturo ng magulang. Iba- iba ang karanasan ng bawat tao sa mundo. May mga personal na dahilan kung bakit hindi nararanasan ng isang tao ang nararanasan ng iba. Ngunit dahil sa nalaman ko na mayroong pagkakaiba ang mga tao, doon ko mas natutunan ang salitang pagpapakumbaba. Walang dapat ipagmalaki at hindi dapat isipin na mas angat ka sa iba...

Natutong Isulat

                                                        My JournalsYear 2017 Taong 2013, gamit ang notebook at ballpen ay nagsimula akong magjournal. Natutunan ko ito sa aming Deaconess. May paraan siyang ibinigay sa amin kung paano namin ito sisimulan. Ang morning devotion ay binubuo ng Scripture, Lesson/Reflection, Application, Prayer (SLAP) . Ang Scripture   ay pagbabasa ng Salita ng Diyos at isusulat yung talata na kung saan nangusap sa iyo ang Panginoon. Ang lesson ay patungkol sa kung ano ang natutunan sa napiling talata. Ang application ay kung ano ang nais gawain na konektado sa nabasa at naisulat na talata. Ang panghuli ay ang pagsulat ng iyong sariling panalangin (Prayer) . Sa gabi naman ay itinatala ang mga bagay na ipinapasalamat (Things I'm Grateful About), mga mah...

Ang Simula

Isa sa pinakamahirap gawin ay ang magsimula. Ang katumbas kasi ng pagsisimula ay ang pagpapatuloy hanggang makarating ka sa dulo. Halimbawa na lamang ngayon, matagal ko nang gusto na magsulat upang maibahagi ang aking mga karanasan at kaisipan. Naiisip ko kasi na ang bawat araw na ibinibigay sa ating ng Panginoon ay may dulot na aral. Kaya napakahalaga na maitala ang mga kaganapan na nangyayari sa ating buhay o sa ating paligid. Bago magsimula ang isang tao, maaari na siya ay may plano o may ginagawang paghahanda. Hindi naman ito mali sapagkat sa pamamagitan nito nagkakaroon ng panahon ang tao na mag-isip patungkol sa kung paano siya magsisimula. Tinutulungan din nito ang tao na suriin ang mga bagay na dapat niyang isaalang-alang. Ang hindi maganda ay ang walang pag-usad, yung hanggang paghahanda at pagplaplano na lamang. Tandaan natin na ang panahaon ay lumilipas at ang oras ay hindi humihinto. Kaya hangga't maaari ay magkaroon nawa ng kahandaan sa sarili ang bawat isa at maglaan ...