Isa sa pinakamahirap gawin ay ang magsimula. Ang katumbas kasi ng pagsisimula ay ang pagpapatuloy hanggang makarating ka sa dulo. Halimbawa na lamang ngayon, matagal ko nang gusto na magsulat upang maibahagi ang aking mga karanasan at kaisipan. Naiisip ko kasi na ang bawat araw na ibinibigay sa ating ng Panginoon ay may dulot na aral. Kaya napakahalaga na maitala ang mga kaganapan na nangyayari sa ating buhay o sa ating paligid. Bago magsimula ang isang tao, maaari na siya ay may plano o may ginagawang paghahanda. Hindi naman ito mali sapagkat sa pamamagitan nito nagkakaroon ng panahon ang tao na mag-isip patungkol sa kung paano siya magsisimula. Tinutulungan din nito ang tao na suriin ang mga bagay na dapat niyang isaalang-alang. Ang hindi maganda ay ang walang pag-usad, yung hanggang paghahanda at pagplaplano na lamang. Tandaan natin na ang panahaon ay lumilipas at ang oras ay hindi humihinto. Kaya hangga't maaari ay magkaroon nawa ng kahandaan sa sarili ang bawat isa at maglaan ...
Makalipas ang halos tatlong buwan sa aking bagong church appointment – Anda Central United Methodist Church (ACUMC), napakarami na agad akong realizations sa buhay, sa sarili, sa ministry, at sa aking pananampalataya. Sa ikatlong buwan lamang na pinahintulutan ako ng ating Diyos na magsalita kaya iyon ang aking gagawin sa puntong ito. Sa ibaba, makikita ang mga supporting verses kung bakit ngayon ay nagbabahagi ako sa inyo. Lucas 5:14 14 Pinagbilinan siya ni Jesus, “Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip ay pumunta ka sa pari at magpasuri sa kanya. Pagkatapos, mag-alay ka ng handog ayon sa iniuutos ni Moises bilang patotoo sa mga tao na ikaw nga'y magaling na.” Lucas 8:17 17 Walang natatago na di malalantad, at walang lihim na di mabubunyag. Lucas 8:39 39 “Umuwi ka na at ipamalita mo ang dakilang bagay na ginawa sa iyo ng Diyos.” Ito ang panahon ng pagbabahagi. Sa unang buwan ng aking new church appointment, ako ay nanibago. Gayun pa man ay pin...