Buong Pusong Umawit “16 Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. 17 At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.” -Colosas 3:16-17- Parte ng buhay ng isang mananampalataya ay ang umawit ng papuri sa Diyos. Kung babalikan natin ang mga pangyayari sa Lumang Tipan ng Biblia mayroong mga itinalaga na tagapamahala para sa mga awitin sa templo ng Diyos (1 Cronica 6:31-32). Sa aking kinalakihan, ang pag-awit ng himno ay parte ng pagsamba. At ang pinakauna kong naawit noong ako’y bata pa ay ang “Jesus Loves Me.” Mas napalalim at napalawak pa ang aking pagpapahalaga sa musika sa simbahan simula ng ako ay pumasok sa ministeryo ng pag Diya-Diyakonesa. Parte ng ...
Ayon sa Reader's Digest Great Encyclopaedic Dictionary (1964), ang ekspedisyon ay isang paglalakbay o paglalayag para sa isang tiyak na layunin.Ang bawat araw ay regalo ng Diyos sa ating lahat. Magpasalamat tayo sa Diyos araw-araw at matuto araw-araw. According to the Reader's Digest Great Encyclopaedic Dictionary (1964), an expedition is a journey or voyage for a definite purpose. Every day is God's gift to all of us. Let us thank God every day and learn day- to - day.